Nakaganti narin ako sa kuya ko
Way back nung mga panahon na nahirapan kami sa buhay dahil nawalan ng trabaho ang tatay ko.
Sinalo ng mama at kuya ko ung responsibilities, at siympre highschool lang ako noon at wala maxado naiintindihan sa pinagdadaanan nila.
Dumating ung time na gumanda trabaho ng kuya ko. Nakaahon kami and nakasurvive dahil sa kanya.
Nung gumanda ang trabaho ng kuya ko, madalas kami nililibre sa fine dining, tapos laging niyang sinasabe sakin "Sarap ng libre noh? " pang asar ba 😂 pero sa totoo lang, pinagsakapan niya yon. Sympre highschool pa lng ako noon, tinatanong nya sakin palagi "Oh ikaw kelan mo kaya ko malilibre?"
Sabe ko sknya lagi "Haha, antayin moko maging engineer, ako naman gaganti tapos aasarin din kita ng "sarap ng libre noh"
Dumaan ang mga taon, nagkapamilya narin sya, hiwalay na kami ng mga bahay magkakapatid pero okay naman ang buhay namin. Mas maganda narin estado ng kuya ko sa buhay.
Eto na nga, natapos ko ung course ko, and nakahanap na ko ng trabaho. Engineer na ko sa wakas. Nakuha ko ung first pay ko and nagbook na ko ng restaurant.
Yakinikuu unli wagyu beef. Okay lang na pricey, basta malibre ko lang pamilya ko. Kasama din pamilya ng kuya ko, kumpleto kaming buong family don pati extended.
Maganda rin ung sahod ko, hindi na kailangab magtrabaho ni mama. Nabibili ko mga gusto ko, kaya confident ako ilibre sila sa ganon restaurant.
Sabe ko sa kuya ko.... "Ano, sarap ng libre noh?" Tawa siya eh. Sabe niya sakin "haha, ayus ka ah pogi mo ah, salamat tol ah". Mga ilang beses ko siya inasar kasi sarap ng kaen nya tska ng mga pamangkin ko. Kpg titingin sya sakin ngingiti kami tapos sasabhin ko "Sarap ba ng libre ?" 😂
Habang kumakaen kami, nakita ko lang na sobrang saya ng buong family ko, sarap ng kaen nila unli wagyu eh, medyo umabot ng 20k php, (also abroad kami nakatira)
Sabe ko nalang sa sarili ko "Eto pala feeling, kapag nakamit mo ung pangarap mo"
Sa totoo lang, tagal ko nang gusto makabawi sa kuya ko. Kulang pa toh, pero onti onti lang. Kayang kaya ko na toh ngayon.
Salamat sa pagbasa
P.S. bonding namin magkakapatid mang asar tska mang gaslight 😂 ung bunso ko din ganyan nun nanlilibre. Ngayon ayan na asaran namin magkakapatid, lahat kami naging financially succesful.
Edit: Medyo prng nagbblow up yata haha. Wag lng sana ipost sa socmed. Pamilya and partner ko lng nakakaalam ng achievements ko at hindi ko pinopost tlga sa socmed ko.